Sa panahon ngayon, masasabi nating naabot na natin ang makabagong henerasyon kasama na bagong teknolohiya. Ngunit sa kabila nito, may mga positibo at negatibong dulo ito sa atin.Iyon ang aking ipo-post ngayon.
Tunay na nakaapekto ang ICT sa paraan ng ating pamumuhay ngayon. Unahin natin ang positibo: nakatutulong ito sa atin sa pamamagitan ng paghahatid ng mensahe at maiging paghahanap ng impormasyon nang mapadali ang ating trabaho. Minsan nga lang, naaabuso natin ang pag-gamit nito. Gaya nga ng sabi ko, may negatibo sa likod ng lahat ng bagay.
Nakatutulong rin ito pagdating sa usapan ukol sa trabaho. Minsan, sa kompyuter ka na naghahanap ng trabahong pwede mong pasukan. Hindi mo na kailangan magbasakali sa pmamagitan ng paglalakad, ngunit sa pamamagitan na lang ng kompyuter. Kadalasan, magaganda pang trabaho ang maari mong makuha.
Sa pag-aaral naman, nalalaman natin ang bagay-bagay na hindi natin mahanap sa ibang pagkukunan. Kung hidi mo mahanap sa libro ang isang paksa na dapay ninyong pag-usapan sa paaralan, maari kang gumamit ng source. Kung ubos na rin ang oras mo para sa pagsulat ng report na dapat mo nang maipasa kinabukasan, i-type mo lang ito sa kompyuter at ipa-print. Mas maganda pa ng kalalabasan at wala pang mga bura.
Sa kabila nito, may mga negatibo pa ring epekto ito sa atin. Halimbawa na lang ng cyber-bullying, pagpo-post ng mga malalaswang video o imahe, at paninirang-puri. Karaniwan nating makikita ang mga kabataang nahuhumaling sa panonood ng mga pornong pelikula o pagtingin sa mga site na may kinalaman sa pornograpiya. Sa usaping ito, parang walang pakialam ang gobyerno sa nangyayari sa likod ng lahat. Hindi naman naaaksyunan ang mga ganitong kaso.
Sa ngayon, hanggang dito na lang muna at hayaan pa natin ang teknolohiya kung san man tayo dalhion nito at umasang mas maraming magandang dulot ito kaysa sa masama. Yun lamang. :)

