Ako ay isang maigid na tagasubaybay ng pelikula at nobela ng Harry Potter. Bakit? Dahil maganda siya. Maganda talaga. Kung nabo-boring kayo, bahala kayo. Dejoke. =))
Ang kuwento ay nagsisimula tungkol sa isang lalaking nagngangalang Harry Potter. Well, isa siyang wizard ngunit sa edad na labing-isa, hindi niya ito alam. Nalaman niya lamang ito ng may isang lalaking mala-higante sa laki na nagsabing isa siyang wizard at kailangan mag-aral sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry. Dahil dun, nagulat ang mundo ng mga wizard at witches sa kanyang pagbabalik. Siya lang naman ang tanging tao na naka-survive sa nakamamatay na spell sa buong kasaysayan ng wizardry. Dahil dun, lalang nagalit si Lord Voldemort, o ang "Greatest Wizard of All Time".
Pagkatapos.. basahin niyo na lang kung gusto niyo. Yun ay kung gusto niyo lang. :) Sa mga na-inspired magbasa, asahan niyong di kayo mabibigo sa gagawin niyo. Yun lang. :)
-The Chosen One


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento